Pinangangambahan ang pagtaas sa singil sa kuryente, dahil sa inaasahang manipis na suplay nito sa darating na tag-init o summer.
Paliwanag ni Independent Electricity Market Operator of the Philippines Inc., Chief Robinson Descanzo, ito ay dahil sa wala nang bagong mapagkuhanan ng suplay ng kuryente.
Aniya, mangangailangan ng mahigit 700 megawatts sa Luzon at Visayas dahil inaasahan anilang aabot sa 14,191 megawatts ang magiging demand ngayong darating na tag-init.
Dagdag pa ni Descanzo, maaari pang kailanganin ang karagdagang 500 megawatts sa buwan ng Mayo o Hunyo.