Asahan na ngayong Pebrero ang malawakang regularisasyon para sa mga kontraktuwal na manggagawa.
Ito ang inanunsiyo ni DOLE o Dept. of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III.
Ayon kay Bello, tiwala siyang magbubunga ng massive regularization ang memorandum of agreement para sa ‘National Voluntary Regularization Plan’ na nakatakdang lagdaan ngayong araw.
Dagdag pa ng kalihim, tinatayang 200,000 manggagawa ang makikinabang sa kasunduan na ito.
Matatandaang nagkasundo na ang DOLE at ang ECOP o Employers Confederation of the Philippines hinggil sa implementasyon ng voluntary regularization plan.
Sakop ng kasunduan na ito ang 30 hanggang 40 porsyento ng mga manggagawa sa ilalim ng ECOP.