Iminungkahi ni Senator Richard Gordon na gamitin ang mga malalaking concert venues sa bansa bilang swabbing sites para sa swab testing.
Ayon sa senador na sya ring chairman ng Philippine Red Cross (PRC), mahalaga ang pagiging organized at sistematikong mass testing para malabanan ang pagkalat pa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Aniya, ang Mall of Asia sa Pasay City at Araneta Coliseum sa Cubao ay malalaking lugar kung saan siguradong maipapatupad ang physical distancing.
Kasabay nito, inirekomenda din ni Gordon na dumaan sa COVID-19 test ang lahat ng health workers tuwing 14 na araw.
Tiniyak naman ng senador na tutulong ang PRC sa pamamagitan ng kanilang tatlong laboratoryo sa Metro Manila na kayang magsagawa ng 12,000 COVID-19 test kada araw.