Inaasahang matatapyasan ng 60% ang kita ng mga airline companies sa buong mundo dahil sa COVID-19 pandemic.
Batay sa report na inilabas ng International Air Transport Association (IATA), ang pinaka matinding banta sa survival rate ng air transport industry sa kasaysayan.
Sinabi nito na pumapalo sa $1-B ang nawawalang kita sa mga pinakamalalaking airline companies sa buong mundo na nag dudulot naman nang pagkawala ng trabaho ng maraming empleyado.
Gayunman, umaasa namanang IATA na makababangon din ang kanilang industriya sa susunod na taon.
Sa Pilipinas, napaulat ding aabot sa bilyon-bilyong piso ang halaga nang naluluging kita sa mga naglalakihang airline companies sa bansa.