Nasa mahigit 13 milyong mga pamilya na ang nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng 2nd tranche ng social amelioration program (SAP).
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), naipamahagi na nila ang nasa P82.2-B na cash subsidy sa mga benipisyaryo nito.
Kauganay nito, umapela naman ang DSWD sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang kagawaran ang iba’t-ibang anomalya hinggil sa distribusyon ng SAP.
Matatandaang nasa 18 milyong pamilya ang target ng second tranche ng SAP kung saan makatatanggap ang mga ito ng lima hanggang labing walong pisong ayuda mula sa pamahalaan.