Nasa P8.3-M na halaga ng ayuda ang naipaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga biktima ng bagyong Rolly.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, kinabibilangan ito ng food packs at non-food items kung saan nag-bigay din ang DSWD ng psychosocial support sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.
Sinabi pa ni Bautista, pinatitiyak din nila sa mga lokal na pamahalaan na mayroong nakatakdang women at child spaces para sa mga evacuees, upang mapangalagaan at maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.
Kaugnay nito, binabantayan din aniya ng mga otoridad ang mga health protocols upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 sa mga evacuation centers.