Umabot na sa mahigit walong libong rebelde ang sumuko sa pamahalaan matapos ang mga isinagawang localized peace talks sa ilang mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, karamihan sa mga sumukong miyembro ng CPP-NPA ay nagmula sa mga lalawigan ng Samar at Masbate.
Sinabi rin ng kalihim na tumanggap ng mga kaukulang tulong mula sa gobyerno ang mga rebelde.
Kabilang sa mga ibinigay ng pamahalaan ang libreng pabahay, atensiyong medikal at seminars upang matulungang makahanap ng trabaho ang mga sumukong rebelde.