Inatasan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Manila Police District (MPD) at Manila Social Welfare Department na arestuhin at ikulong ang mga iresponsable at mga pabayang magulang sa kanilang mga menor de edad.
Ito ay matapos na umabot sa libu-lobo ang bilang ng mga menor de edad sa lungsod na nahuhuling lumalabag sa iba’t ibang ordinansya gaya ng hindi pagsusuot ng face masks at paglabag sa curfew.
Ayon kay Moreno, mayorya kasi sa mga ito ay pinababayaan lamang ng kanilang mga magulang at ang ilan pang mga nahuli ay positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Dahil dito, umaapela ang alkalde sa mga magulang na maging responsable sa kanilang mga anak gayung hindi pa tapos ang nararanasang pandemya sa bansa.