Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro dakong 2:16 ng madaling araw kanina.
Ayon sa PhiVolcs, naitala ang lindol sa layong 31km timog-silangan ng bayan ng Looc.
Tectonic naman ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim itong 121 kilometro.
Dahil dito, naitala ang intensity 4 sa Looc, Lubang, Mamburao, Paluan at Sablayan, Occidental Mindoro gayundin sa Tagaytay City.
Intensity 2 naman sa Makati, Quezon City, Mandaluyong, Malabon, Muntinlupa at Pasig City.
Wala namang napaulat na pinsala sa paglindol ngunit inaasahan umano ang aftershocks.