Maaaring pagmultahin ang mga magdaraos ng Christmas party, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Magugunitang, una nang inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na hindi pinapayagan ang Christmas party, Christmas caroling at kahit anong mass gathering ngayong holiday season.
Ayon kay Roque, posibleng patawan ng multa ang sinomang lalabag kung isasama ito sa ordinansa na ilalabas ng mga Local Government Units (LGU’s).
Aniya, kung hindi naman pagmumultahin ay maaari namang ibang parusa ang ilagay ng mga LGU’s sa ordinansa.
Paliwanag ni Roque, wala pang nasyonal na batas hinggil dito kung kaya’t nakadepende sa ordinansa na ilalabas ng mga LGU’s ang mga panuntunan na ipapatupad ngayong holiday season.