Nagbabala na ang Manila Toll Expressway Systems, Inc. sa mga motorista kaugnay sa inaasahang pagbigat ng daloy ng trapiko sa darating na Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4.
Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taong uuwi sa kani-kanilang probinsya para sa paggunita ng Undas.
Makakaranas ng mabigat na trapiko sa mga lugar ng:
Skyway:
- East Service Road One Way Traffic Northbound Alabang To Sucat
- Skyway Southbound – C5 – Alabang
- Skyway Northbound – Slex San Pedro/ Susana Heights/ South Green Heights To Alabang Viaduct to the Skyway Extension Project Site
- Sucat Exit Northbound and South Bound
- Sucat Interchange – Dr. Santos Ave. Westbound
Skyway Elevated:
- Skyway Southbounc – Sucat to Skyway Off Ramp and Dr. Santos Ave.
- Skyway Northbound – Sucat to Magallanes, Don Bosco, Amorsolo, Buendia Off Ramps
- Alabang Northbound On Ramp From Filinvest Ave.
- Northbound Alabang Zapote to Skyway Toll Plaza A
- Dr. Santos Skyway Off Ramp
Westbound NAIAX
- NAIAX Westbound: approach of NAIAX Runway Main Toll Plaza B
- NAIAX Eastbound: approach of NAIAX Main Toll Plaza A
SLEX – Southbound:
- exit toll plazas: Susana, Carmona, Mamplasan, Sta. Rosa, Abi, Cabuyao at Silangan
- Calamba Toll Plaza a at B
- Ayala Greenfields Toll Plaza
SLEX – Northbound:
- Ayala Toll Plaza; Calamba Entry Toll Plaza, Carmona at Filinvest Star
- Sto. Tomas Toll Plaza Northbound Exit, Tanauan at Lipa Exit
- Lipa Toll Plaza Exit (West)
- Ibaan – San Jose Interchange Southbound, Balagtas Toll Plaza at Balagtas Roundabout
Samantala, pinaalalahanan ang mga motorista na balak bumyahe sa nabanggit na petsa na magbaon ng mahabang pasensya.