Binatikos ng isang mambabatas ang mabagal na pag-aksyon ni Pang. Rodrigo Duterte para sa pagsasabatas ng Bayanihan 2 o ang Bayanihan To Recover As One Act.
Ito ay matapos na aprubahan ng kongreso ang naturang panukala at ipadala sa Malacañang noong nakaraang linggo.
Sa ilalim kasi ng naturang panukala, papalo sa P165-B ang inilaang pondo para sa mga programa’t proyekto para sa pagbangon ng bansa dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, hindi niya mabatid kung bakit natatagalan ang Pangulo na lagdaan na ang naturang panukalang batas gayong kailangang-kailangan na ito ng bansa.
Dagdag pa ni Lagman, kataka-taka rin an pumapalo na sa P9-T ang utang ng Pilipinas, ngunit hindi naman ito ginagamit upang mapondohan ang Bayanihan 2 na malaking tulong upang masolusyunan ang COVID-19 crisis na kinahaharap ng Pilipinas.