Sakop pa rin ng mga pinaiiral na travel protocols ang mga indibidwal na nabakunahan na kontra COVID- 19.
Ito ang nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III kung saan binigyang diin ng kalihim na bagamat kaya ng bakuna na maprotekahan ang isang indibidwal sa pagkakaroon ng mild hanggang severe na COVID-19 cases ay hindi naman garantisado na mahihinto na ang transmission ng kaso ng COVID-19
Sinabi ni Duque, batay sa polisiya ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EIA), at ng mga eksperto dapat pa ring sumunod ng mga nabakunahang indibidwal sa mga umiiral na protocols.
Giit ni Duque, hindi nangangahulugan na ligtas na sa mga pinaiiral na protocol sa bansa ang mga indibidwal na nakatanggap ng COVID- 19 vaccine.