Sumampa na sa walo (8) katao ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos maramdaman ang 6.6 magnitude na pagyanig sa Mindanao nitong Martes, Oktubre 29.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng National Disaster Rsk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan kinilala ang mga nasawi bilang sina:
- Nestor Narciso, 66 years old;
- Samuel Linao, 44 years old;
- Renee Corpuz Andy, 7 years old;
- Marichelle Moria, 23 years old;
- Patricio Lumayon, 65 years old;
- Pao Abdullah, 64 years old;
- Isidro Gomez, 63 years old; at
- Esriel Pabra.
Kaugnay nito, nasa 2,200 pamilya o katumbas ng 19,000 indibidwal ang nanatili sa mga evacuation centers.
Habang nilinaw din ng NDRRMC na nasa kabuuang 2,700 imprastuktura rin ang nasira dahil sa nasabing pagyanig.
Sa ngayon naitala na ng Phivolcs ang 590 aftershocks.
Samantala, muli pa namang inaalam ng mga otoridad ang bilang ng nasaktan sa panibagong pagyanig na naramdaman kaninang 9:11 ng umaga sa lalawigan ng Cotabato.