Pinapayagan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 269 na provincial point-to-point public utility bus na bumiyahe palabas at papasok ng Metro Manila simula sa Disyembre 21.
Ito ay kasabay narin ng pagbubukas ng LTFRB ng 10 karagdagang ruta para sa mga naturang bus.
Sa inilabas na memorandum circular 2020-082 ng LTFRB, kabilang sa mga bubuksang ruta ay ang mga sumusunod:
- Clark, Pampanga – Sm North Edsa
- Clark, Pampanga – NAIA terminal (with limited stop in Ortigas)
- Clark, Pampanga – Lubao, Pampanga (with specials stops in San Fernando and Angeles City)
- Clark, Pampanga – Dagupan, Pangasinan (with special stops at Rosales and Urdaneta, Pangasinan)
- Clark, Pampanga – Subic, Zambales (with special stop at Dinalupihan, Bataan)
- NAIA/Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) – Baguio City
- Batangas City – Ortigas
- Batangas City – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)
- Lipa City, Batangas – Ortigas
- Lipa City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)
Nilinaw naman ng LTFRB na ang mga pinayagang P2P buses ay roadworthy na may valid at existing certificate of public convenience o application for extension of validity, nakarehistro din dapat sa personal passenger insurance policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Kinakailangan rin ng special permit ang mga provincial P2P bus na babyahe sa mga intr-regional routes sa labas ng Metro Manila.