Suportado ng isang senador ang pagpapatupad ng localized lockdown sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Ayon kay Senator Franklin Drilon, ito ay upang mapigilan pa rin ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nang hindi nailalagay sa alanganin ang ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa nito, sinusuportahan din niya ang pagpapaluwag ng mga umiiral na quarantine protcols sa Metro Manila, dahil sa tindi ng epektong idinulot nito sa ekonomiya na nagdulot naman ng pagkawala ng hanap buhay ng nasa libu-libong mga Filipino.
Una rito, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na nasa isandaan at labing dalawang lugar na sa bansa ang nakasailalim sa localized lockdown.