Inilabas na ng Malakanyang ang listahan ng mga industriyang papayagan at hindi papayagan sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), modified GCQ at general community quarantine (GCQ).
Mula sa tatlong kategorya, isandaang porsyentong papayagan ngunit dapat sumunod sa safety protocols ang mga sektor ng agrikultura, forestry, fisheries, pagawaan ng pagkain at inumin maliban sa alak, hygiene gaya ng sabon, detergent, disinfectant, medisina, bitamina, pagkain ng hayop, feeds at fertilizers.
Maaari naring magbukas ang mga dermatological, dental, optometric, eye, ear, nose at throat clinis.
Pwede narin ang mga laundry shops, essential retail, food preparation, water refilling, logistic service providers at delivery services.
Papayagan narin mag bukas ang mga repair at installation ng mga machinery quipment, telecommunications companies gaya ng cable providers at telco third party contractors.
Gayundin ang operasyon ng mga gasoline stations, manufacturing companies at suppliers ng mga produktong kailangan sa konstruksyon.
Bagamat papayagan rin ang mining at quarrying, electronic commerce companies, postal, courier at delivery services at export-oriented companies ay dapat anilang matiyak na susunod sa safety protocols.
Para naman sa mga nagtatrabaho sa gobyerno ay magkakaroon parin ng skeletal onsite at work-from-home para sa mga lugar na isasalalim sa ECQ at MECQ habang maglalatag naman ng ibang alternative work arrangements para sa mga tatamaan ng GCQ.
Samantala, sa ilalim naman ng GCQ ay maaari nang magbalik operasyon ang mga tren, bus, jeep, taxi, tnvs at public shuttle ngunit magiging limitado ang kapasidad sa limampung porsyento.