Tinanggal na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang limitasyon sa pagbili ng mga essential item sa mga pamilihan.
Paliwanag ni DTI Secretary Ramon Lopez, inalis na nila ito para sa mga apektado ng community quarantine bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Samantala, tinaasan naman ng DTI ang bilang ng mga face masks na maaaring mabili sa merkado nang hanggang sa 50 piraso matapos madagdagan pa ang suplay nito.
Matatandaan namang nagpalabas ng kautusan ang DTI sa paglimita ng mga pangunahing bilihin noong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon dahil sa pagkakaroon ng panic buying.