Pinapaalalahanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga estudyanteng bibyahe sa mga paliparan sa paggunita ng undas.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, dapat samantalahin ng mga estudyante ang libreng terminal fee sa nalalapit na undas.
Aniya, sa ganitong paraan kanilang sinusuportahan ang inisyatibong malasakit para sa mga mag aaral.
Sakop ng benepisyo ang mga estudyante na nasa elementary hanggang college level.
Samantala, kailangan lamang mag apply ng mga mag aaral ng student exemption certificate sa mga Malasakit help desks sa mga paliparan para sa libreng terminal fee.