Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,773 kaso ng pangkaraniwang sakit sa mga bakwit na inilikas dahil sa pagsabog ng bulkang Taal.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ilan sa mga naitalang kaso ay lagnat, ubo, sipon, diarrhea, at hypertension.
Aniya, mayroon ring ibang evacuees na nagkaroon ng minor injuries, eye at skin irritation dahil sa abo mula sa bulkan.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na agad na isasailalim sa konsultasyon ang mga bakwit na may sakit upang mabigyan ng mga kinakailangang gamot.