Pinapaalalahanan ng Department Of Health (DOH) ang mga magulang ng mga mag-aaral na i-disinfect muna ang mga learning modules bago ipagamit sa mga bata upang matiyak ang kaligtasan ng mga ito laban sa COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nabubuhay ang virus ng ilang oras sa mga surfaces kung kaya’t dapat na pag-ibayuhin ng mga magulang ang pag-iingat sa pagtanggap ng mga learning modules na gagamitin sa online classes ng mga anak nito.
Payo naman ni Vergeire, sa mga nais makatipid at hindi na bumili pa ng disinfectant na painitan na lamang sa araw ang mga modules ng ilang oras bago ito gamitin upang matiyak na mapapatay ang virus.
Paalalahanan rin aniya ang mga bata na huwag hawak-hawakan ang mukha at regular na maghugas ng kamay at gumamit ng alkohol.
Samantala, tiniyak naman ng DOH na mahigpit nilang minomonitor ang mga paaralan kaugnay sa pagkalat ng virus lalo na’t mayroong mga guro na kinakailangan paring magpunta sa mga paaralan upang maisagawa ang online classes.