Sinimulan na ng Department Of Science and Technology (DOST) ang clinical trials ng lagundi bilang supplement treatment laban sa COVID-19.
Ayon sa Executive Director ng DOST Philippine Council for Health Research and Development na si Dr. Jaime Montoya, inaprubahan na ng food and drug administration (FDA) at Ethics Review Board ang clinical trial sa lagundi kung saan nasa 150 pasyente ang isasailalim sa screening ay 37 dito ang kwalipikado para sa naturang pag aaral.
Aniya, ang kanilang ginagawang pag-aaral ay upang makita kung makakatulong ang lagundi para hindi na lumala pa ang sintomas ng COVID-19.
Samantala, bukod sa lagundi kasalukuyan ring pinag-aaralan ng DOST ang Virgin Coconut Oil (VCO) at nakatakda ring pag-aralan ang tawa-tawa na pawang mga traditional herbal medicine.