Sa Ilocos Norte at hindi sa libingan ng mga bayani dapat ilibing ang yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos
Ito’y ayon kay dating Interior Secretary Rafael Alunan batay sa naging kasunduan ng nuo’y Administrasyong Ramos at ng pamilya Marcos nuong 1992
Binigyang diin pa ni Alunan, malinaw ang isinasaad ng kasunduan na parangal para sa sundalo na may ranggong major lamang ang ibibigay sa dating Pangulo at hindi hero’s burial
Nakasaad din sa kasunduan na sa hindi pinapayagang maibalik sa Maynila ang labi ng dating Pangulo bagkus, mananatili lamang ito dapat sa Ilocos Norte
Ginawa ang kasunduan matapos payagan ng nuo’y Pangulong Fidel Ramos na mai-uwi ang labi ng yumaong diktador mula HAWAII alinsunod na rin sa kahilingan ng pamilya marcos
By: Jaymark Dagala