Dahil hindi na umaabot sa 2k ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw, nasa moderate risk category na lamang ang Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa ay nakakaagapay na rin ang health care system.
Ito aniya ay isang magandang indikasyon na nasa tamang direksyon ang gobyerno sa pagtugon laban sa pandemyang COVID-19.
Gayunman, inamin naman ni Vergeire na may ilang lugar pa rin sa bansa na kanilang binabantayan gaya ng Davao City na mataas ang critical care utilization.
Dahil dito, magse-set up aniya ang ahensya ng one hospital command na naglalayong magkaroon ng isang network ang mga ospital sa Davao City.