Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang kasong graft laban kay dating environment sec. Gina Lopez hinggil sa umano’y pagtanggap nito ng regalo mula sa isang renewable energy firm.
Sa inilabas na sampung pahinang resolusyon, sinabi ng Ombudsman na hindi pag tanggap ng regalo ang biyahe ni Lopez sa France noong 2016 para sa isang wastewater project sa Paris.
Ayon sa Ombudsman, kulang ang prinisintang probable cause sa kaso dahil aprubado ito ng Office of the President para sa plano ng gobyerno na rehabilitasyon ng Ilog Pasig.
Matatandaang, inihain ni dating Eco-Global Inc. business development officer Viena Tañada ang nasabing graft case noong Marso ng taong 2017.