Walang bansang nakaligtas sa pandemyang COVID-19, gayundin ang nangyayaring domestic violence lalo na nang ipatupad ang mga lockdown sa iba’t ibang bansa.
Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng UN noong Setyembre, lumalabas na ang pagpapatupad ng lockdown ay humantong sa pagtaas ng kaso ng domestic abuse sa 25% sa Argentina, 30% sa Cyprus at France habang 30% naman sa Singapore.
Samantala, mula sa pagsipa ng kaso ng rape sa Nigeria at South Africa ay tumaas rin ang bilang ng nawawalang kababaihan sa Peru, gayundin ang pagtaas ng bilang ng mga babaeng pinapatay sa Brazil at Mexico.
Dagdag pa ng UN, isa lamang mula sa 8 mga bansa sa buong mundo ang gumawa ng hakbang upang mabawasan ang epekto ng pandemya sa mga kababaihan at mga bata.