Patuloy na nadaragdagan ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa pinakahuling tala ng Dept. of Health (DOH), nasa 1,418 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kahapon lamang, nasa 343 ang naidagdag sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang bilang, 62.3% rito ang kalalakihan habang nasa 37.7% naman ang kababaihan.
Sa datos ng DOH, pinakamarami sa mga tinamaan ng virus ang may edad 65 taong gulang pataas.
Samantala, nasa 71 na naman ang bilang ng mga nasawi sa virus habang nasa 42 naman ang mga naka-recover sa COVID-19.