Sasalubungin ng mayorya ng mga Pilipino ang bagong taon ng puno ng pag-asa.
Ito ay batay sa pinakahuling survey na inilabas ng Social Weather Station (SWS) para sa ika-apat na quarter ng taon.
Batay sa nasabing survey, 66% ng mga Pilipino ang naniniwala na pag-asa ang hatid ng bagong taon.
Mas mataas ito ng apat na porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa naturang survey, lumabas din na apat na porsyento ng mga Pilipino ang takot sa pagpasok ng 2020.
Mas mababa ito ng walong porsyento kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 indibidwal mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Ang nasabing survey ay mayroong positive 3 na margin error para sa kabuuang porsyentong nakuha nito, habang nasa anim na porsyento naman sa Metro Manila at sa tatlong rehiyon.