Tiniyak ng bagong talagang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pananatilihin niya ang kapayapaan sa buong bansa.
Ito ang isa sa hangarin ni AFP Chief Lt. Gen. Felimon Santos Jr., kung saan sinabi nito na sisikapin niyang mapanatili ang kapayapaan sa Pilipinas sa kaniyang pamumuno sa AFP.
Ayon kay Santos, ipagpapatuloy din niya ang mga hakbang ng pamahalaan para wakasan ang tensiyon sa pagitan ng militar at mga rebeldeng grupo.
Sinabi pa ni Santos na humihina na ang mga rebeldeng grupo sa bansa kaya’t tinutulak ng mga ito ang usapang pang-kapayapaan.
Aniya, handa naman ang AFP na matulungan ang mga rebelde na magbalik sa estado.
Samantala, umapela naman si Santos sa mga sundalo na manatiling tapat sa kanilang mandato na protektahan ang mga Pilipino, at panatilihin ang kapayapaan sa buong Pilipinas.
Si Santos ang ika-51 Chief of Staff ng AFP, kung saan nakatakda naman itong magretiro sa darating na Agosto 3.
Dahil dito, kumpiyansa si Santos na maganda, at mablis na aksyon ang kaniyang mai-aambag sa AFP upang matapos na ang local armed conflict sa bansa sa loob ng kaniyang 8 buwan na pamumuno sa AFP.