Hindi maaring sisihin ng senado ang kamara sakaling madelay ang pagpasa sa 2021 proposed national budget.
Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte kaugnay ng desisyon ng kamara na suspendihin na ang kanilang sesyon nang hindi man lamang naipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pambansang budget.
Sinabi ni Villafuerte kung magtutulungan kasi ang mababa at mataas na kapulungan ng kongreso ay maari pa itong maipasa ng mas maaga kaysa sa inaasahang deadline.
Paliwanag ni Villafuerte, sa loob kasi ng 1 buwang congressional break ay maari nang pag-aralan ng senado ang naturang panukala para agad na lamang itong maaprubahan sa oras na i-transmit ito ng House sa darating na Nobyembre 16.