Ibinasura ng Philippine National Police ang kahilingan ng ilang sektor na gumamit ng Taser gun o de-kuryenteng baril at maging ng camera ang mga pulis sa kanilang anti-drug operation.
Ayon kay PNP chief director General Ronald dela Rosa, ayaw niyang isabak sa giyera ang kanyang mga tauhan para lang mamatay at hindi niya gugustuhin na madagdagan pa ang bilang ng mga pulis na namamatay at nasusugatan sa mga anti-drug operation.
Paano naman kasi anya magiging patas ang laban kung naka-taser gun lang ang mga pulis, habang armado ng baril ang kanilang mga tinutugis.
Iginiit ni Dela Rosa na kung mayroon man silang pondo ay ibibili na lang nila ito ng mga baril at bala para armasan ang lahat ng mga pulis.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 31) Jonathan Andal