Hindi katanggap-tanggap ang ipinakitang kaduwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang naging reaksyon ng dalawang senador matapos na sabihin ng pangulo sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na wala ng magagawa sa pinag-aagwang teritoryo sa WPS.
Ayon kina Senador Francis “Kiko” Pangilinan, hindi iniriri-prisinta ng pangulo ang mga Pilipino sa kanyang naging pahayag.
Matatandaang batay sa Hague ruling na walang karapatan ang China sa pinag-aagawang isla dahil nasa loob at sakop ito ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Dahil dito, sinabi naman ni Senadora Leila De Lima na maling-mali ang pagbanggit ng pangulo na ‘in possession’ na ang China sa pinag-aagawang teritoryo lalo pa’t nanalo ang Pilipinas laban sa China hinggil dito.