Muling aarangkada ang Kadiwa Rolling Store sa lungsod ng Maynila, simula alas-7 ng umaga ngayong araw, Lunes, ika-6 ng Abril.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, layon ng naturang proyekto na makapaghatid ng sariwang pagkain sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa kabila ng kinakaharap na krisis dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, direkta ring makakakonekta ang mga magsasaka sa mga mamimili nang walang middle man.
Dahil dito, makakaasa ang mga mamimili na mura ang mga ibebentang produkto ng mga magsasaka.
Unang ilulunsad ngayong araw ang Kadiwa Rolling Store sa Lambingan Ferry Station sa harap ng Thomas Earnshaw Elementary School malapit sa Barangay 896 at 897.
Inaasahan ding lalagyan ng naturang proyekto sa Kadiwala Rolling Store sa J. Posadas Street malapit sa Road 2, Sta. Ana, bahagi ng Barangay 903 at 905.
Samantala, magugunitang una nang inilunsad ang Kadiwa Rolling Store Project sa Tondo at Sampaloc noong Oktubre nang taong 2019.