Nilagdaan na ng Department of Finance (DOF) at Japan International Cooperation Agency ang kasunduang pagpapautang sa Pilipinas ng mahigit P23.5-bilyon.
Ang naturang halaga ay gagamitin umano ng gobyerno sa pagtugon sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nagpapasalamat naman ang DOF sa pamahalaan ng Japan na nagpautang, bagay na maaaring ma-withdraw agad nang walang policy conditions bago i-disburse.
Samantala, inaasahan namang dodoble ang deficit to gross domestic product (GDP) ratio ngayong taon dahil sa pagbaba ng koleksyon ng buwis sa kabila ng paggastos ng malaki ng gobyerno para sa ayuda at pagpapatatag ng sistemang pangkalusugan ng bansa.