Ilalabas na ngayong araw ng Department of Justice (DOJ) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti-Terrorim Law.
Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, ipa-lalahatla ng DOJ sa mga pahayagan ang IRR ng naurang batas.
Aniya, kahapon pa kasi naka-upload sa kanilang website ang IRR ng kontrobersiyal na batas.
Sinabi ni sugay, sa pamamagitan ng irr na ito ay malilinaw na ang mga probisyon ng naturang batas, kabilang na ang depinisyon ng “crime of terrorism” at lahat ng kaugnay na aktibidad.
Sa ngayon, itinututuring ang Anti-Terrorism Act of 2020 bilang batas na may pinakamaraming petisyon sa Korte Suprema, matapos na umabot 37 ang bilang ng petisyon na isinampa laban dito.