Hindi dapat payagan ng Commission on Elections (COMELEC) ang internet voting para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Pananaw ito ni election lawyer Romulo Macalintal dahil dapat muna aniyang hintayin ng COMELEC ang malinaw na probisyon ng batas hinggil sa internet voting at mga mekanismo nito.
Ang pinapayagan lamang aniya ng batas ay paghahanap ng COMELEC ng internet based technology para sa overseas absentee voting.
Sinabi ni Macalintal na hanggang ngayon ay walang mga naisapublikong panuntunan na nagbibigay go signal kahit pa pilot testing ng internet voting.
By Judith Larino