Tiniyak ng WHO o World Health Organization na tutulong ito sa Pilipinas upang tugunan ang lumalalang problema sa tigdas.
Ayon kay PRC o Philippine Red Cross Chairman Sen. Richard Gordon, nakipag ugnayan na sa kaniya ang kinatawan ng WHO upang alalayan ang nakaka alarmang kaso ng tigdas sa bansa.
Kasabay nito, inanunsiyo rin ni Gordon na balak ng PRC na maglagay ng tents sa labas ng mga ospital upang tugunan ang dumaraming pasyenteng apektado ng nasabing sakit.
Ang mga nasabing tents ay magsisilbing ekstensiyon ng ospital kung saan kumpleto na umano ito ng pasilidad at equipment para sa mga pasyenteng may tigdas.