Pumalo na sa halos P2B ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Tisoy sa sektor ng Agrikultura sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng National Disaster and Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), matinding napinsala ng bagyong Tisoy ang Southern tagalog, Bicol Region, Eastern Visayas at Central Luzon.
Dagdag pa ng NDRRMC, aabot din sa 19 na kalsada at 2 tulay ang napinsala dahil sa hagupit ng bagyong Tisoy.
Gayunman, ibinaba naman ng NDRRMC sa 12 ang unang napaulat na 13 nasawi dahil sa bagyo.