Posibleng mas mababa sa isang porsyento ang inflation rate nakaraang buwan ng Oktubre.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas – Department of Economic Research (BSP-DER), maaaring pumalo sa 0.5 hanggang 1.3 percent lang ang October 2019 inflation rate.
Ito ay matapos bumagal sa .9 percent ang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Setyembre.
Patuloy namang tututukan ng Bangko Sentral ang pagbabago sa mga presyo ng bilihin upang siguruhin ang monetary policy ay alinsunod sa kanilang price stability mandate.
Samantala, ilalabas na ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang opisyal na data inflation para sa buwan ng Oktubre, bukas Nobyembre 5.