Nagbigay na ng go signal ang Department of Agriculture (DA) para sa importasyon ng 35,000 metrikong tonelada ng pulang sibuyas.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, aarangkada ang pag-angkat ng sibuyas sa darating na buwan ng Pebrero.
Batay sa market analysis ng Bureau of Plant Industry (BPI), may dalawang buwang production gap sa sibuyas kung saan iginiit ni Dar na ang pag-aangkat sa pulang sibuyas ang magiging solusyon upang mapunan ito.
Batay sa pinakahuling monitoring ng DA aabot sa P280 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan.