Aabot sa halos P200-B ang iminumungkahing budget ng Department of Health (DOH) para sa implementasyon Universal Health Care Law (UHC) sa susunod na taon.
Sa naganap na joint congressional oversight committee hearing, sinabi ni Health Undersecretary Mario Villaverde na ang naturang pondo ay gagamitin para sa kanilang ipinapanukalang health system resiliency kung saan magagamit aniya ito sa pagtugon ng bansa sa emerging infectious diseases.
Sinabi ni Villaverde na 29% o katumbas ng P53.20-bilyon ng kanilang iminumungkahing budget ay para sa implementasyon ng UHC law, habang ang 11% naman o katumbas ng P20.89-bilyon ay para naman sa pagpapalakas ng health care system, lalo na sa pagharap sa pandemya.
Sa ilalim ng UHC, otomatiko nang kabilang para sa national health insurance ang lahat ng mga Pilipino.