Nagkasa na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pamamaslang sa abogadong si Atty. Joey Luis Wee sa Cebu City, kamakailan.
Ito’y kung saan nagpakalat na ang NBI ng mas maraming field operatives sa Cebu City at maging sa Palawan para mas paigtingin pa ang kanilang pagtugis sa mga salarin.
Nagpahiwatig naman ng pagkabahala si Justice Secretary Menardo Guevarra dahil sa patuloy na pagdagdag ng mga kasong pagpatay sa hanay ng legal profession.
Nilinaw naman ni Guevarra na bagamat maituturing na hazards of the profession ang mga trabaho ng abogado ay hindi naman aniya nawawala ang commitment ng pamahalaan na tugisin at panagutin ang mga nasa likod ng krimen.
Magugunitang nasa higit 50 na ang bilang ng mga private lawyer, prosecutors at judges ang napatay sa kasalukuyang administrasyon.