Nagsampa ng patong-patong na criminal at administrative complaint sa Office of the Ombudsman ang pamilya ni Reina Mae Nasino laban sa ilang mga opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) at Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).
Ayon sa abogado ng pamilya na si Atty. Josalee Deinla, kabilang sa kanilang asunto ay ang paglabag sa Anti-Torture Act, grave coercion, grave misconduct, grave abuse of authority, maltreatment of prisoner at paglabag sa breastfeeding act.
Magugunitang nag ugat ang reklamo ng pamilya nang masawi ang sanggol ni Nasino na si Baby River matapos na mahiwalay sa kanyang ina na nakakulong sa Manila City Jail.
Umaasa naman ang pamilya Nasino na sa pamamagitan ng mga isinampang kaso ay mapapanagot ang mga naging dahilan ng pagkamatay ni Baby River.
Kabilang sa mga inireklamo ng pamilya nasino ay sina:
- Dating MPD Director Pol. Brig. Gen. Rolando Miranda,
- Jail Dir. Allan Iral, BJMP Chief
- Lt. Levi Hope Basilio, Manila Police Station 10 station commander
- Jail Inspector Ignacia Monteron, Manila City Jail Female Dormitory Office-In-Charge
- Lt. Col. Magno Gallora Jr., Station Commander ng Manila Police Station 2; at iba pa.