Pinag multa ng Hong Kong government ang nasa walong overseas Filipino workers (OFW) dahil sa paglabag sa social distancing protocols.
Batay sa report, nag multa ng tig 2,000 Hong Kong dollars o katumbas ng nasa P13,000 ang mga naturang OFWs.
Nabatid na nasa 50 mga pulis ang sumugod sa Charter Road at Statue Square na tambayan ng mga OFWs sa Central District kung saan pinauwi ang mga OFWs sa kani-kanilang mga tahanan dahil sa mahigpit pa ring pagiral ng minimum standard health protocols sa Hong Kong.