Nag-welga ang ilang mambabatas at militanteng grupo sa tapat ng Libingan ng mga Bayani.
Pinangunahan nina ACT Teachers Representative Antonio Tinio, Gabriela Women’s party representative Arlene Brosas, at Bayan Secretary general Renato Reyes ang nasabing kilos protesta isang buwan bago ang unang inihayag ng Malacañang na petsa ng paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos doon.
Layunin ng kanilang kilos protesta na tutulan ang planong pagpapalibing doon kay Marcos.
Nagpumilit umano ang mga nag-welga na makalapit sa gate ng sementeryo kaya nagkaroon ng saglit na gitgitan.
Pero ayon sa Southern Police District na may sakop sa nasabing lugar, wala namang nasaktan sa magkabilang panig.
Wala pang kalahating oras ang itinagal ng rally.
By Avee Devierte / Allan Francisco (Patrol 25)