Ginugunita ngayong araw ang ika-37 anibersaryo ng pagkamatay ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino.
Pero dahil mahigpit na ipinagbabawal ngayong may pandemic ang social gathering ay hindi muna naglatag ng programa ngayong araw.
Matatandaang 22 taong gulang palamang si Aquino nang pasukin ang pulitika at maitalaga bilang pinaka batang alkalde ng Concepcion, Tarlac hanggang sa naging vice governor at gobernador sa naturang probinsya.
Taong 1967 naman ng mahalal ito bilang pinakabatang senador ng bansa at una ring naaresto sa ilalim ng dating presidente na si Ferdinand Marcos sa martial law noong 1972.
Nang makulong at atakihin sa puso, nagtungo naman sa Estados Unidos si Aquino para magpagamot hanggang mapagdesisyonan nitong bumalik sa Pilipinas taong 1983 at hamunin si Marcos noong 1984 election.