Tiniyak ng Malacañang na hindi maapektuhan ang umiiral na economic relation sa pagitan ng Iceland at Pilipinas.
Ito ay kahit na magpasya ang bansa na putulin na ang ugnayan sa Iceland kaugnay ng inilabas nitong resolusyon na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y serye ng paglabag sa karapatang pantao.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang rason para putulin ang investment at economic relations ng dalawang bansa.
Aniya, ito ay dahil pareho namang nakikinabang ang Pilipinas at Iceland kaya’t wala anyang dahilan para putulin ang economic relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga investment ng Iceland sa Pilipinas ang Biliran Geothermal Incoporated na isang joint venture ng Filtech Energy Drilling Corporation at Orka Energy Philippines.
Matatandaang una nang sinabi ni Panelo na seryoso si Pangulong Duterte sa banta nitong pagputol sa diplomatic relations ng Pilipinas sa Iceland.