Nananawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Korte Suprema na simulan na sa lalong madaling panahon ang oral arguments sa Anti-Terror Law matapos itong iurong kamakailan.
Ayon kay IBP President Domingo Cayosa, umaasa silang agad ring makakapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema.
Paliwanag ni Cayosa, ang naturang batas ay hindi lang naman legal issue ng tatlomput pitong grupo na naghain ng petisyon laban dito, kundi concern din umano dito ang bawat pilipino gayung maaari itong gamitin para paratangan ang mga kritiko bilang mga terorista.
Giit pa nito, na ang naturang batas ay hindi lamang iiral ngayong administrasyong Duterte ngunit maging sa hinaharap.