Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon para makapag-piyansa si dating ARMM Governor Zaldy Ampatuan.
Batay sa desisyon ng Supreme Court first division, walang merito ang petisyon ni Ampatuan para makapag-piyansa sa kaniyang kaso na may kaugnayan sa Maguindanao massacre.
Paliwanag ng Korte, maituturing na “factual issue” ang pagtanggi ng dating Gobernador na may kaugnayan siya sa karumal-dumal na krimen, kung saan iginiit naman ng Korte Suprema na ang mga “alibi” ni Ampatuan ay dapat na talakayin sa isang full-blown trial.
Si Ampatuan ay nahaharap sa 58 bilang na kaso ng murder sa malagim na Maguindanao massacre noong 2009.