Tinatayang nasa mahigit 4,200 kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC) ang naitala ng Philippine National Police (PNP) simula ng pag-iral ng community quarantine noong Marso upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa lingguhang report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kamara, nakapagtala ang PNP ng 2,183 reports ng karahasan sa kababaihan habang 2,077 naman ang karahasan laban sa mga kabataan.
Tiniyak naman ng pangulo na patuloy na minomonitor at tinutulungan ng Philippine Commission on Women ang mga nagiging biktima ng pang-aabuso at karahasan sa bansa.